Devotionals / Poetry · June 19, 2023

Saranggola ni Pepe

Lipad! Sa alapaap…
Mga pakpak ay ikampay.
Tuparin ang mga pangarap
Lasapin, tamis ng tagumpay.

Ang wika ni Jose Rizal,
“Pag-asa ka nitong bayan.”
Sa iyong pagpapagal,
May gintong nakalaan.

Sa iyong paglalakbay,
Bata, ingat ka lamang.
Ang bukas na naghihintay,
Di mo tiyak na malalaman.

Kaya nga’t iyong sundin
Mga tagubilin ni Ama.
Sa iyong mga mithiin,
Siya ang lagi mong kasama.

Sige, lipad sa alapaap…
Pap-pa-rap-pap-pap!

Magalak ka binata sa panahon ng iyong kabataan. Gawin mo ang ibig mo at lahat ng nakaaakit sa paningin mo. Ngunit alamin mong lahat ng ito’y ipagsusulit mo sa Diyos.

Mangangaral 11:9