Maraming quotable quotes ang mga nanay na naging gabay natin sa ating pagtanda.
“Anong akala mo sa akin, nagtatae ng pera?”
“Papunta ka pa lang, pabalik na ako.”
“Mag-aral kang mabuti, ‘yan lang ang maipapamana namin sa’yo.”
“Pag-aaral muna atupagin mo, saka na yang boyfriend/girlfriend na ‘yan.”
“Mata kasi ang gamitin mong panghanap, hindi ang bibig.”
“Huwag kang mag-aksaya ng pagkain. Ubusin mo yan, maraming tao ang walang makain.”
Maaaring ang mga ito ay namana din nila sa kanilang mga ina, o narinig sa tatay, tito at tita, o kaya ay sa lolo’t lola nila.

Hmm… Wala ako maalala na orig o ang nanay ko mismo ang nakaimbento; pero ito ang madalas ko marinig mula sa kanya (hanggang ngayon) kapag ginigising niya kami o pinapatulog, kapag pinapauwi o pinapakain, o kaya naman ay nagkakaroon ng alitan kaming magkakapatid.
“isa, dalawa… (tapos pause), dalawa’t kalahati… (hintay ulit). Pag nakatatlo na ako, makakatikim kayo sa akin!”
Dapat nakatatlo na talaga siya… dapat may palo na kami o pingot sa tenga. Kaya lang hinahabaan pa niya ang kanyang pasensya. Kasi ayaw naman Niya talaga kami masaktan.
Come to think of it, ganyan ang Diyos sa atin. He gave us instructions para hindi tayo mapahamak (Proverbs 3:5-6). Kaya sobra ang pagtitimpi Niya kung tayo ay nagiging pasaway o rebelde. Sabi Niya rin, sa kanan (John 21:6) para makuha natin ang blessing.

Lalong gusto Niyang sa bandang huli tayo ay Kanyang makapiling. Tinatawag Niya tayo, “Come!” Kaya sige na, respond to His call. Huwag mo nang paabutin pa ng tatlo.
The Lord is not slow in keeping his promise, as some understand slowness. Instead he is patient with you, not wanting anyone to perish, but everyone to come to repentance.
2 Peter 3:9 NIV
Recent Comments