Devotionals · May 25, 2023

Let it go, let it go!

To gain something, sometimes you have to give up other things.

Dr. Takagi (Nurse Aoi Episode 8)

Naranasan nyo na ba ang ganitong sitwasyon? Nahihirapan ka na, pero di mo pa din mapakawalan. Masakit na sa kalooban ngunit ayaw mo pa ding bitiwan. Pilit mong pinipigilan. Hangga’t kaya mong tiisin, ginagawa mo. But then, after some time at the right place, when you have finally released and let it go, you will find comfort and peace of mind. Ang gaan sa pakiramdam. At ang tanging masasabi mo na lang, “Aaaaahhhh…” May mga pagkakataon nga na mapapasigaw ka pa ng “Success!”

Federation Square, Melbourne

Don’t you think God is really amazing? He designed us in a way na meron tayong waste disposal unit (i.e. excretory system). Para lahat ng dumi at di nakakabuti sa ating katawan ay nailalabas natin. In order for our body to function well and for us to continue living. Pero syempre, dahil walang forever(?), our earthly body is subject to wear and tear. Hihina ka din at tuluyang mauubusan ng baterya sa itinakda Niyang panahon.

So while we are still operational, let us continue to strive doing His will, glorifying and thanking Him no matter what. Walang palpak sa pagkakagawa Niya sa atin at di tayo mapapahamak as long as we live according to the Manual. Mayroong mga bagay na mawawala o inaalis sa atin pero, madami na ang nagsabi at nakapagpatunay, ito ay para sa ikabubuti natin, to gain something better, and God’s best. Remember Job’s story? (Kung hindi mo pa alam o kaya ay di na maalala, mabuting basahin na ang Manual.)

At this, Job got up and tore his robe and shaved his head. Then he fell to the ground in worship and said: Naked I came from my mother’s womb, and naked I will depart. The Lord gave and the Lord has taken away; may the name of the Lord be praised.

Job 1:20-21

Kaya kung anuman ‘yan, i-flush mo na lang.