Poetry · January 14, 2023

Tulog Na

Magpahinga kung napapagod;
Kapag inantok ay matulog.

– lagingpuyat

Pagkakataon na nga ba ang siyang nagsasabi?
Huwag na itong ipilit wala ring mangyayari.
Madilim na ang paligid, malalim na ang gabi;
Pagpatak nitong ulan ay babala sa sarili.

Di na dapat pang pigilin ang pag-ihip ng hangin;
Hayaan mong dalhin ka sa nais niyang tahakin.
Kaya’t unti-unting ibaling ang iyong paningin;
Asahang mararating mas mainam na lupain.

Iwaksi ang bagabag, ipikit ang mga mata;
Huminga nang malalim, hanggang ika’y mapayapa.
Sa iyong sarili ay muli mong ipaalala:
Paalam sa kahapon, bukas ay ibang araw na.

Zzzzzz…. 🐢

Therefore we do not lose heart. Though outwardly we are wasting away, yet inwardly we are being renewed day by day.

2 Corinthians‬ ‭4‬:‭16‬ ‭NIV‬‬