Poetry · October 15, 2022

Paglalakbay

Minsan kahit na pigain mo pa ang iyong isipan,
Wala talaga; ni isang titik ay di masumpungan.
Sumisigaw nang pabulong, bumubulong nang pasigaw;
Ang tinig na madirinig ay para lang alingawngaw.

Nais mo nang tumayo’t ipagpatuloy ang lakarin;
Ngunit tila ang paghakbang kaybigat na akayin.
At dala ng pagkahapo, bigla na ring nahimbing;
Panandalian man, may liwanag sa paggising.

Unti-unting naramdaman lakas sa’king mga paa;
Parang kuryenteng dumadaloy, dala ay pag-asa.
Ngunit gaya ng dati, kumalam na ang sikmura;
Paalam na’t hanggang sa muli nating pagkikita.