Tayong dalawa… Magkasama ngayong gabi lumbay ang daing. Nagkaunawaan nang magtama ang paningin. Ang muling pagkikita, tadhana bang maituturing? Tayong dalawa… Parehong namamanglaw ang mga mata; Pipikit at muling didilat sabay na lilinga. Tila may hinahanap ngunit di naman makita. Tayong dalawa… Ngunit bigla kang nawala, naglaho, parang bula. Nang aking masumpungan, kapiling na ay iba. Tayong dalawa? Panaginip ko lang pala.

Walang tayo…
Recent Comments